haha. :D
Nandoon ako sa harapan ng lahat, handang sugurin lahat ng armas at sagabal na lalaban saatin. Ang alam ko, anjan ka lang sa tabi ko, lalaban tayo ng sabay! Nang hawakan ko na ang kamay mo para makipaglaban……wala akong nakapa, tinignan ko kung nasan ka na, wala ka sa tabi ko. Ano to joke mo? Kung oo, hindi nakakatuwa.
Alam mo yun? Yung feeling na akala mo kasama mo siya sa hirap at ginhawa, at sa laht ng sandali ng pakikipaglaban niyo sa tadhana na walang ginawa kundi mang-trip; yun pala, mag-isa ka lang lumalaban. Well in the first place, never siyang sumama sayo, ikaw lang ang gumagawa ng paraan, nakiki-ride lang siya.
Yung nanirahan ka sa mundo na ginawa NIYONG DALAWA(akala mo kasama siya sa gunawa nun.) Pero ang totoo, magisa ka lang na kumikilos para mag-work yung relationship niyo. Yung tipong pag di ka gumagawa ng way para magka-usap, magkita at magkasama kayo, walang mangyayaring ganun, kasi nga ikaw lang ang gumagawa.
At syempre, kilig na kilig ka naman, samantalang sa kanya pampalipas oras ka lang.
Hay nako, hayaan mo lang siya, isang araw, susuko ka rin. :)







